18K na posisyon, ibabakante ngayong 2025 nat’l at local elections

18K na posisyon, ibabakante ngayong 2025 nat’l at local elections

NASA 18, 271 ang mga posisyong ibabakante ngayong 2025 national at local elections.

Kasali dito ang 12 bakanteng posisyon para sa mga senador, 63 posisyon para sa party-list representatives, at 254 na posisyon para sa pagiging kongresista.

Tig-82 na posisyon para sa mga gobernador at bise gobernador, at 792 para sa Sangguniang Panlalawigan members.

Sa city mayors at vice mayors ay nasa tig-149 ang ibabakanteng posisyon, Sangguniang Panlungsod ay 1,582, at ang municipal mayors at vice mayors ay tig-1,493.

Sa Sangguniang Bayan members ay nasa 11,948, sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliament members ay nasa 32, at BARMM Party-list representatives na nasa 40.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble