INANUNSYO ng Cebu Pacific na 19 sa kanilang domestic destination ay bukas na para sa leisure travel.
Mas lumuluwag na ngayon ang pagbiyahe para sa leisure traveler dahil kadalasan ay vaccination card na lang ang kakailanganin at hindi na kailangan ang RT-PCR test para sa mga pasaherong fully vaccinated.
Kabilang sa domestic destination na bukas para sa leisure travel ay ang Bohol, Boracay, Butuan, Camiguin, Cagayan de Oro, Cebu City, Mandaue City, Clark, Maguindanao province, Davao, Dumaguete, General Santos, Iloilo, Legazpi, Manila, Naga, Ozamiz, San Jose, Tacloban, at Tuguegarao.
Bukod sa vaccination card o vaccination certificate na nire-require ng mga local government unit (LGU) sa mga lugar na pupuntahan maaari din ang iba sa kanila ay mangangailangan ng government-issued ID, travel permits mula sa S-Pass, confirmed accommodations, at registration to specific contact tracing applications.
Ang Butuan at Cagayan de Oro ay nagre-require ng fully vaccinated traveler kung saan i-upload lamang ang kanilang status ng pagbabakuna sa pamamagitan ng S-Pass.
Ang mga fully vaccinated passengers na dumarating sa Legazpi Airport ay kailangan mag-report sa kanilang LGUs para sa symptoms screening at profiling.
Dapat ding mag-download ang isang pasahero ng traze app sa kanilang cellphone.
Nire-require naman ng clark ang mga manlalakbay na ipakita ang kanilang valid ID o anumang travel document na kinakailangan ng LGU.
Ang Cebu Province, Lapu-Lapu City, at Davao ay hindi nangangailangan ng anumang travel documents sa mga dumarating na fully vaccinated guests.
Sa kabila ng pagluluwag, paalala ng naturang airlines na habang nananatiling tuluy-tuloy ang sitwasyon, maaaring magbago ang mga alituntunin sa paglalakbay.
Dapat palaging suriin ng mga manlalakbay ang kanilang LGU na kanilang pupuntahan para ma –update sa travel requirements.
Paalala ng mga airlines ikokonsidera ang isang pasahero na fully vaccinated kung ito ay naturukan ng kanyang second dose matapos ang dalawang linggo.
BASAHIN: Pilipinas, handa nang buksan para sa fully vaccinated foreign tourists