19 na bangkay sa bumagsak na C-130, nakilala na ng AFP

19 na bangkay sa bumagsak na C-130, nakilala na ng AFP

TULOY ang ginagawang pagtukoy sa iba pang mga bangkay na nasawi mula sa bumagsak na C-130 military air craft ng Philippine Air Force nitong linggo.

Nakiusap  ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na bigyan pa sila ng kaunting panahon agad na matukoy ang mga biktima ng tInaguriang pinakamalagim na air accident sa bansa.

Nakilala ng AFP ang nasa 19 sa 49 na nasawi sa pagbagsak ng sinasakyan nitong C-130 military air craft nitong Linggo.

Una nang naiulat na marami sa mga nasawi ay bagong graduate pa lang na sundalo, na naitalaga sana para pagtugis ng teroristang Abu Sayyaf sa Patikul, Sulu.

Narito ang listahan ng mga pagkakakilanlan ng mga sundalo:

PHILIPPINE AIR FORCE

Major Emmanuel Makalintal

Major Michael Vincent Benolerao

First Lieutenant Joseph Hintay

Technical Sergeant Mark Anthony Agana

Technical Sergeant Donald Badoy

Staff Sergeant Jan Neil Macapaz

Staff Sergeant Michael Bulalaque

Sergeant Jack Navarro

AFP MEDICAL CORPS

Captain Higello Emeterio

AFP NURSE CORPS

First Lieutenant Sheena Alexandria Tato

PHILIPPINE ARMY

Sergeant Butch Maestro

Private First Class Christopher Rollon

Private First Class Felixzalday Provido

Private Raymar Carmona

Private Vic Monera

Private Mark Nash Lumanta

Private Jomar Gabas

Private Marcelino Alquisar

Private Mel Mark Angana

Samantala, narekober na rin ang black box ng eroplano pero hinihintay pang maproseso ito kasabay nito  ay ang planong pagpapadala ng dalawang recording nito sa Amerika upang matukoy ang pinakahuling naitalang komunikasyosan bago ito maaksidente.

Pero hindi pa malinaw kung gaano katagal ang magiging proseso sa pagsiyasat sa nasabing black box.

Kahapon, nauna na ring itinama  ni AFP Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana ang mga unang balita na umabot sa 50 ang kabuuang bilang ng casualties, pero  ayon sa AFP, na-double count lang ito.

Sinasabing isa ang July 4 crash ang “pinakamalagim” sa kasaysayan ng militar sa Pilipinas na nangyari nang sumabog ang eroplano habang sinusubukang lumapag.

Tiniyak ng AFP na sinisikap pa nilang makilala ang nasa 30 pang ibang bangkay, na siyang nakalagak pa rin sa Lungsod ng Zamboanga sa ngayon.

“This is a very hard task since the cadavers were beyond recognition but we have experts supporting our efforts,” pahayag ni Sobejana.

Nakikiusap pa ng kaunting panahon ang AFP sa mga kaanak ng mga hindi pa natutukoy  na mga bangkay para sa ma-iturn over ang mga ito sa kani-kanilang mga kamag-anak.

BASAHIN: Imbestigasyon sa bumagsak na C-130 plane, hindi hanggang sa black box lang — former DND Chief

SMNI NEWS