APEKTADO ng COVID-19 pandemic ang progreso ng Sustainable Development Goals (SDGs) ng United Nations.
Ayon sa report ng UN, imbis na patuloy ang pagsugpo sa kahirapan, tumaas ang Global Extreme Proverty noong 2020 kumpara noong late 1990s.
Base sa 2021 report, bukod sa pagkasawi ng mahigit tatlong milyong katao, bumalik pa sa kahirapan ang nasa 119,124 milyong katao dahil sa pandemya.
Nasa 255 milyong katao naman ang nawalan ng trabaho dahil sa krisis dulot ng pandemya.
Batay naman sa kasalukuyang projections, ang global poverty rate ay nasa pitong porsyento o papalo sa nasa 600 milyong katao globally sa taong 2030.
Haiti President Jovenel Moise, pinatay sa loob ng kanyang tahanan
Pinatay sa loob ng kanyang tahanan ng mga armadong indibidwal si Haiti President Jovenel Moise.
Ito ang kinumpirma ni Interim Prime Minister Claude Joseph, kasabay ng kanyang panawagan na manatiling kalmado at ipaubaya nalang sa pulisya at kasundaluhan ang kaligtasan ng publiko.
Dinala naman sa ospital ang asawa ni Moise dahil sa natamong sugat.
Si Moise ay namumuno sa Haiti simula noong 2018, ang pinaka mahirap na bansa sa Amerika.
Sa kanyang panunungkulan ay umakyat ang kaso ng kidnapping at tumaas din ang impluwensya ng mga armadong grupo.