INIHAYAG ni Baguio City Mayor Benjie Magalong na dapat dalhin ng mga turistang fully vaccinated ang kanilang inoculation cards.
Bukod pa rito, inihayag din ni Mayor Magalong na dalhin din ang QR code ng naturang inoculation card upang maberipika kaagad.
Ayon sa Department of Tourism (DOT), ang Baguio City ang unang tumanggap ng naurang bagong polisiya.
Samantala, ang contact tracing efficiency ratio ng Baguio City ay 1:15, habang mayroong 560 daily average ng COVID-19 tests.
Sa ngayon, muling nirereview ng national government ang pinakahuling travel policy na magbibigay pahintulot sa mga fully vaccinated na huwag nang magpakita ng COVID-19 test result.