TULUYAN nang pinatalsik at pinatawan ng multa ng Chinese Basketball Association ang dalawang team na sinasabing sangkot umano sa game-fixing scandal.
Aabot sa 5 million yuan ang multa na ipinataw sa Shanghai Sharks at Jiangsu Dragons matapos itong masangkot sa match-fixing sa kasagsagan ng play-offs ngayong season.
Maliban dito maging ang mga head coaches at general managers ng 2 koponan ay parehong pinagbawalan na makilahok sa anumang aktibidad na may kaugnayan sa basketball sa loob ng 3 – 5 taon.
Nag-umpisa ang pagduda matapos sa Game 3 sa pagitan ng Dragons at Sharks kung saan nangunguna pa ang Dragons sa loob ng isang minuto at tatlumpu’t anim na oras ng laro sa iskor na 100-96.
Ngunit sa sunod na minuto ay tinambakan na ng Sharks ang Dragons ng 10-point lead dahilan upang manalo ang Shanghai na may 108-104 scores.
Sa ngayon ay patuloy pa ring nagsagawa ng isang masusing imbestigasyon ang naturang asosayon para sa nasabing insidente.