KANSELADO ang dalawang domestic flights ngayong araw dahil sa masamang panahon sa destinasyon.
Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), hanggang kaninang alas 8:10 ng umaga ay kanselado ang 5J 321 at 322 na biyaheng Manila patungong Legazpi at pabalik ng Cebu Pacific.
Pinapayuhan naman ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund ng kanilang tickets.