2 gintong medalya, naiuwi ni PH kickboxer Jethro Saba

2 gintong medalya, naiuwi ni PH kickboxer Jethro Saba

NAIUWI ng PH kickboxer na si Jethro Saba ang dalawang gintong medalya mula sa 2023 World Kickboxing Tournament sa Indonesia.

Ang dalawang gintong medalya ay mula sa 61-63 kg class kung saan una niyang nakalaban ang koponan ng Estados Unidos na si Dean Perry Rosemwald, sinundan ng koponan mula sa Indonesia.

Ayon sa kickboxer, masaya niyang nakuha ang nasabing parangal para sa Pilipinas.

Hindi naman aniya naging mahirap para makamit ang gintong medalya dahil bata pa lang siya ay nakahiligan na niya ang sport na kickboxing.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter