2 hukom ng ICC pinapa-diskwalipika ng kampo ni FPRRD

2 hukom ng ICC pinapa-diskwalipika ng kampo ni FPRRD

HINILING ngayon ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na madiskwalipika ang dalawang hukom ng International Criminal Court (ICC).

Ang dalawang hukom ay sina Pre-Trial Chamber 1 Judges Rene Adelaide Alapini-Gansou at Maria Del Socorro Flores Liera.

Sa kanilang paliwanag, ang dalawang hukom ay matagal nang nakapagdesisyon hinggil sa isyu ng hurisdiksiyon.

Ito ay simula pa noong pinayagan nila ang prosekusyon taong 2021 na umpisahan ang imbestigasyon sa War on Drugs ni FPRRD.

Kung madiskwalipika ang dalawa ayon sa lead counsel ni FPRRD na si Nicholas Kaufman, masisiguro na mahahatulan ng patas ang dating pangulo.

Una nang hinakayat ng kampo ng dating pangulo ang dalawang hukom ng ICC na umatras sa kaso ni FPRRD.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble