LIBU-libong mga residente ang matutulungan ng dalawang infrastructure project ng Department of Public Works and Highways DPWH-9
Kabilang dito ang higit 3 kilometrong road concreting project mula sa National Road Junctions ng Camanga-Tabuan-Man-Ilan-Manlayag hanggang Navalan Road sa munisipyo ng Tukuran.
Mapapadali ng nasabing proyekto ang biyahe mula sa 45 minuto ay magiging 20 minuto na lamang ito na magpapabilis sa transportasyon ng mga kalakal sa lugar na malaking ambag upang mas mapataas ang ekonomiya ng lalawigan.
Sa kabuuan, tinatayang nasa 159 milyong piso ang halaga ng nasabing proyekto.
Kabilang na dito ang P67.5 million halagang inilaan sa Zamboanga del Norte upang maiwasan ang pagguho ng lupa o landslide sa kahabaan ng Sindangan-Liloy Road.
Pinondohan ito ng General Appropriation Act (GAA) sa taong 2022 katuwang ang 2nd District Engineering Office upang maging ligtas ang mga biyahero sa lugar.