NAMATAAN ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang dalawang Low Pressure Area (LPA) sa bansa.
Sa kabila nito, inihayag ng PAGASA na ang isang LPA ay walang direktang epekto sa bansa ngunit ang isa na nakapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) noong isang gabi ay maaaring madevelop at maging isang tropical cyclone.
Namataan ito 1,240 kilometers silangan ng hilagang bahagi ng Luzon.
Bukod pa rito, ayon sa PAGASA, napakaliit ng tsansa na ito ay mag-landfall ngunit lalo pa nitong mai-enhance ang Hanging Habagat.
Samantala, ang isang LPA ay nakita 240 kilometers sa hilagang-kanluran ng Laoag City sa labas ng PAR.
Ayon sa PAGASA, ang hanging habagat ay maaaring makaapekto sa timog na bahagi ng Luzon at Visayas at maaari itong magdala ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Mimaropa, Western Visayas at Zamboanga Peninsula at Bataan.
Posible naman ang pagbaha sa kasagsagan ng moderate at minsan ay malakas na pag-ulan.
Ang ibang bahagi naman ng bansa ay makararanas ng isolated rain showers na dahilan ng localized thunderstorms, light to moderate winds at slight to moderate seas naman sa kabuuang arkipelago.