DALAWANG may dugong Pinoy ang kasali sa casts sa panibagong pelikula na ‘Final Destination: Bloodlines’.
Ito ay sina Kaitlyn Santa Juana at Teo Briones.
Si Kaitlyn ay isang Canadian na may dugong Pinoy at Czech/Slovak.
Nagsimula ang kaniyang acting career noong taong 2016.
Si Teo Briones naman ay isang Filipino-American na nagsimula ang kaniyang acting career noong 2010 nang siya ay 5 years old pa lamang.
Samantala, ang ‘Final Destination: Bloodlines’ ay ipapalabas sa mga sinehan sa Pilipinas sa Mayo 16, 2025.