SUMUKO ang 2 miyembro ng Abu Sayyaf sa Naval Forces Western Mindanao (NFWM) sa Bagong Calarian, Zamboanga City.
Kinilala ang mga ito na sina Adzhar Usman Langkang at Karasan Turabin Anta, nasa ilalim sa pamumuno ni alias Junga.
Ibinaba rin nila ang Cal 30 M1 Garand Rifle, M16 Rifle at mga bala.
Tuluyang sumuko ang 2 dahil sa matagumpay na focus military operation at serye ng engkuwentro sa Kauluan Island, Albarka, Basilan noong Marso.
Sumailalim din sila sa medical check-up sa Camp Navarro General Hospital bago i-turnover sa Joint Task Force–Basilan para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.
Posible rin silang mapabilang sa Enhanced Comprehensive Local Integration (E-CLIP) Program at Program Against Violent Extremism (PAVE) para sa mga miyembro ng Abu Sayyaf sa Basilan.