SUMUKO ang 2 communist terrorist group (CTG) sa mga awtoridad sa Angeles City at Zambales.
Sa ulat kay Provincial Regional Office (PRO)- 3 Director Police Brig. Gen. Jose Hidalgo, Jr. kinilala ang mga sumuko na sina Ka Baby, dating taga-suporta ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) at Ka Tabag, dating miyembro ng Militia ng Bayan.
Ibinaba nila ang 2 cal. 38 revolver, isang 40mm M203 grenade launcher at 1 40mm high explosive, at Ammonium Nitrate Fuel Oil (ANFO) na pangunahing ginagamit bilang materyal na paputok.
Naniniwala si Hidalgo na dahil sa walang tigil na pagsisikap ng pulisya at militar na labanan ang terorismo at insurhensiya, patuloy na nabibigo ang mga kalaban ng gobyerno.