2 nasawi, 15 sugatan sa salpukan ng trak at bus sa Albay

2 nasawi, 15 sugatan sa salpukan ng trak at bus sa Albay

NAUWI sa trahedya ang banggaan ng isang 10-wheeler truck na may kargang yelo at isang pampasaherong bus na may sakay na limampung pasahero sa kahabaan ng Maharlika National Highway, Purok 5, Brgy. Balangibang, Polangui, Albay nitong Mayo 20, bandang alas-4:20 ng hapon.

Dead on the spot ang mga drayber ng parehong sasakyan—ang driver ng refrigerated truck na si Dante, at ang driver ng bus na si Ricky.

15 pasahero rin ng bus ang nagtamo ng mga sugat at agad na isinugod sa ospital.

Batay sa paunang imbestigasyon, parehong wasak ang unahang bahagi ng dalawang sasakyan.

Sa lakas ng salpukan, tumilapon palabas ng sasakyan si Ricky habang naipit naman sa manibela si Dante.

Agad na rumesponde ang Bureau of Fire Protection, MDRRMO, at Polangui Municipal Police sa insidente.

Nabatid na nabigyan ng paunang lunas ang mga sugatang pasahero bago sila inilipat sa Josefina Belmonte Duran Memorial Albay Provincial Hospital sa lungsod ng Ligao.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble