2 pang suspek sa Anson Que case naaresto na

2 pang suspek sa Anson Que case naaresto na

NAARESTO na ang dalawang karagdagang suspek sa pagdukot at pagpatay sa Chinese-Filipino businessman na si Anson Que at ang kaniyang driver.

Ang babae at lalaking naaresto ay pawang chinese nationals ayon sa ulat.

Mag-alas-dos ng hapon nitong Sabado, Mayo 17, 2025 nang maaresto sila sa isang resort sa Boracay.

Matatandaang huling nakita sina Que at ang kaniyang driver na si Armanie Pabillo noong Marso 29 sa opisina niya sa Valenzuela City.

Pagkatapos nito ay natagpuan na lang ang mga bangkay nila na nakalagay sa loob ng mga nylon bag sa Rodriguez, Rizal noong Abril 9.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble