INAGURAHAN na ng Pasig City ang dalawang pumping stations na nasa Brgy, Sumilang.
Ito ang isa sa ongoing projects na ginagawa ng lungsod para sa pagpapaunlad ng kanilang flood mitigation program.
Maliban pa dito, kasama sa ongoing projects ng Pasig ay ang pumping station, automation, dredging, revetment wall, drainage at iba pa.
May binubuo na rin na comprehensive flood control masterplan ang kanilang engineering section tungo sa mas epektibong solusyon kontra baha.