2 sangkot sa bentahan ng droga, naaresto ng QC DDEU; P340-K halaga ng shabu nakumpiska

2 sangkot sa bentahan ng droga, naaresto ng QC DDEU; P340-K halaga ng shabu nakumpiska

NAARESTO ng mga miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) District Drug Enforcement Unit (DDEU), ang dalawang katao na sangkot sa bentahan ng pinagbabawal na droga sa Quezon City.

Kinilala ang dawala na sina Melody Jesalva, 41, residente ng Sitio San Roque, Brgy., Bagong Pag-asa, Quezon City, at Eddie Cruz, 54.

Ayon sa hepe ng DDEU na si PMAJ Wennie Ann Cale, ang drug operation ay isinagawa ng mga operatiba ng DDEU matapos makatanggap ng ulat mula sa isang concerned citizen hinggil sa aktibidad ng pagbebenta ng droga ng suspek.

Inaresto ng nasabing mga operatiba ang mga suspek at nakumpiska ang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340-K, isang cellphone, isang itim na pouch, at ang buy-bust money.

Kakasuhan ang mga naarestong suspek ng paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa harap ng Quezon City Prosecutor’s Office.

Follow SMNI NEWS on Twitter