2 taong pagkakakulong, nararapat na ipataw sa singer-rapper na si Ravi—Seoul Court

2 taong pagkakakulong, nararapat na ipataw sa singer-rapper na si Ravi—Seoul Court

NARARAPAT na ipataw ang dalawang taong pagkakakulong sa South Korean singer at dating member ng grupong VIXX na si Ravi.

Ayon ito sa Seoul Southern District Court dahil isang seryosong paglabag anila ang ginawa ni Ravi kaugnay sa mandatory military enlistment ng South Korea.

Umapela ang kampo ni Ravi dito dahil anila, pinagsisisihan na ng rapper-singer ang kaniyang nagawa.

Nauna nang pinatawan ng dalawang taong probation si Ravi noong buwan ng Agosto at kinakailangan niyang makumpleto ang 120 oras na community service.

Kung magkakaroon naman ito ng paglabag sa loob ng dalawang taong probation ay ikukulong na ito ng isang taon.

Sa kasalukuyan nga ay ginagawa ni Ravi ang kaniyang community service requirement.

Oktubre 2022 nang mag-enlist si Ravi subalit bilang social service worker dahil mayroon umano siyang epilepsy.

Subalit napag-alaman sa imbestigasyon na walang sakit si Ravi.

Ipinaliwanag na rin ng rapper-singer na ginawa niya iyon dahil siya lang ang nagbibigay income sa kaniyang agency na Jellyfish Entertainment noong COVID-19 pandemic.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble