UMAASA ang bansa na makararating ngayon linggo ang aabot sa 20,000 dosis ng Sputnik V vaccine.
Ito ay bahagi ng paparating na 500,000 dosis ng Sputnik V ngayong buwan ng Abril o Mayo.
Sa kabila nito, aabot sa 20-M na Sputnik V vaccine naman ang inaasahan ng bansa matapos makakuha ito ng Emergency Use Authorization.
Base sa pag-aaral na isinagawa sa Sputnik V, 92% effective ang nasabing bakuna.
Una nang inihayag ni Health Sec. Francisco Duque III na ginagawa ng gobyerno ang lahat upang makakuha ng mas marami pang bakuna mula sa Sinovac o Sputnik V.
Pangalawang batch ng Sinovac vaccines, dumating na sa Pilipinas
Samantala, dumating na sa Pilipinas ang bagong batch ng bakuna mula Sinovac na binili ng bansa.
Kahapon, alas 5:00 ng hapon ng lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 ang eroplanong nagdala ng limang daang libong bakuna.
Ito na ang pangalawang batch ng Sinovac vaccines kung saan noong ika-29 ng Marso naman dumating ang unang bakuna na binili ng bansa.
Samantala, inaasahan sa susunod na linggo, Abril 22 at Abril 29 darating ang 1.5 milyong dosis ng Sinovac vaccine na bahagi sa 25 milyong dosis ng bakuna na binili ng Pilipinas galing China.
Aabot naman sa 5.5 milyong bakuna ang inaasahang darating ngayong buwan ng Abril.
(BASAHIN: 1.5-M dosis ng Sinovac vaccine, darating sa bansa bago matapos ang Abril)