NANUMPA ang 200 bagong recruits ng Police Regional Office (PRO) Bangsamoro para sa 1st Cycle Attrition Program ngayong taon.
Ginawa ang panunumpa ng mga magiging patrolman at patrolwoman sa grandstand ng Camp Brigadier General Salipada K. Pendatun, Parang, Maguindanao.
Ang mga bagong recruit ay binubuo ng 170 lalaki at 30 babae na agad na ini-turn over sa Regional Training Center BAR para sa kanilang Public Safety Basic Recruitment Course (PSBRC).
Sasailalim sila sa 6 na buwang pagsasanay para maging ganap na miyembro ng Philippine National Police (PNP).
Ipinaalala ni PRO Bangsamoro regional director Police Brigadier General John Guyguyon na bilang mga alagad ng batas ay dapat ibigay ng mga bagong recruits ang pinakamahusay na serbisyo hindi lamang sa BARMM kundi sa buong bansa at sambayanang Pilipino.