200 IPs mula Maynila, ligtas na naihatid ng PCG sa Sulu at Tawi-Tawi

200 IPs mula Maynila, ligtas na naihatid ng PCG sa Sulu at Tawi-Tawi

LIGTAS na nakarating sa Zamboanga Port ang nasa 200 indigenous peoples (IPs) mula sa Maynila.

Sa tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), maayos na nakabalik sa kani-kanilang komunidad ang mga katutubo.

Hakbang ito ng ahensiya na maiwasang may maabusong IP’s lalo na sa isyu ng pamamalimos sa lansangan sa Kamaynilaan.

Batay sa ulat, may mga sindikato na nasa likod ng pagpapadala sa mga IPs sa Maynila para mamalimos sa kalsada lalo na sa panahon ng Kapaskuhan at pagsalubong sa Bagong Taon.

Bagay na kinondena naman ito ng DSWD at nagbabala na hahabulin ang mga nasa likod ng posibleng sindikato rito.

Follow SMNI NEWS in Twitter