MAHIGIT 200 indigenous peoples (IPs) na ang na rescue sa Metro Manila.
Sa public briefing, sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Undersecretary Edu Punay na mahigit 60 Badjaos na ang nakabalik sa mga probinsya habang nasa 20 pamilya pa ang nananatili sa Jose Fabella Center at inaayos ang kanilang pag-uwi sa probinsya.
Ayon kay Punay, sinasagot ng kagawaran ang transportation cost at binibigyan din ang mga ito ng P10,000 cash assistance.
Sinabi ni Punay na may nakuha na silang IP community members sa Makati, Muntinlupa at Pasay.
Ang mga local government units naman aniya ang pangunahing in-charge sa pag-rescue.
Upang mapalapit sa mga programa ng gobyerno ang IP communities, sinabi ni Punay na sinimulan na nila ang special project para sa birth registration at pagbibigay sa mga ito ng identification IDs o identification documents.