KASALUKUYANG nangyayari sa De La Salle University (DLSU) ang pagsisimula ng Bar Exam.
Isa ang DLSU sa Taft Manila sa mga testing centers para sa 2022 Bar Exams.
Hatinggabi pa lang ay isinara ang mga kalsada na malapit sa DLSU, gaya ng Estrada St. Taft south bound and north bound patungong Quirino St. at mga kalsada na malapit sa San Beda University, at Manila Adventist College.
9,821 na mga bar examinees sa buong bansa ang inaasahan ngayon na kukuha ng pagsusulit.
14 ang venue o testing centers para sa Bar Exam kung saan 5 sa NCR, 3 sa Luzon, 3 sa Visayas at 3 sa Mindanao.
Sa NCR, ang local testing centers ay gagawin sa Ateneo de Manila University, De La Salle University of Manila, San Beda University, Manila Adventist College, University of the Philippines, BGC.
2, 529 na mga examinees ay sa Ateneo de Manila University kukuha ng exam.
May 500 pulis na ipinakalat ang NCRPO para tiyakin ang seguridad ng mga kukuha ng pagsusulit.
Sa bahagi ng Luzon ang testing centers ay nasa St. Louis University sa Baguio City, University of Nueva Caceres sa Naga City, Dela Salle University sa Lipa City Batangas.
Sa bahagi ng Visayas, ang local testing centers ay nasa University of San Carlos sa Cebu City, University of Cebu sa Cebu City, Dr. V. Orestes Romualdez Educational Foundation sa Tacloban City.
Habang sa Ateneo de Zamboanga sa Zamboanga City, Xavier University sa Cagayan De Oro City, at Ateneo de Davao University sa Davao City ang Local Testing Centers sa Mindanao.
Ayon sa Korte Suprema, 5, 847 ang first time takers ng bar habang 3,974 ang kukuha ng pagsusulit sa pangalawang pagkakataon.
Napag-alaman na nasa mahigit 200 ang mga nagwithdraw sa kanilang aplikasyon sa 2022 Bar Examination.
Maaring ito ay yaong mga naapektuhan ng nagdaang kalamidad.