2023 FIBA World Cup merch, mabibili na online

2023 FIBA World Cup merch, mabibili na online

INILUNSAD na ng 2023 FIBA World Cup ang kanilang online store.

Ito’y para magkaroon ng pagkakataon ang fans na makabili ng merchandise mula sa event na gaganapin sa Agosto 25 hanggang Setyembre 10.

Iba’t ibang produkto ang matatagpuan dito gaya ng apparel, headwear, accessories, stationery at bags.

Magkakaroon din ng pop-up at flagship stores sa buong Pilipinas ang 2023 FIBA World Cup.

Maliban dito ay mayroon ring merch na ibebenta sa FIBA World Cup venues gaya ng MOA Arena, Araneta Coliseum at Philippine Arena.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter