2025 OVP Planning Conference sinuri ang mga nagawa at programa

2025 OVP Planning Conference sinuri ang mga nagawa at programa

SINABI ni Vice President Sara Duterte na masaya niyang dinaluhan ang isinagawang 2025 Planning Conference ng Office of the Vice President (OVP).

“Masaya nating dinaluhan ang isinagawang 2025 Planning Conference ng Office of the Vice President sa Filinvest City, Alabang noong nakaraang linggo,”  ani Vice President Sara Duterte.

Layunin umano nang nasabing pagtitipon na siyasatin ang mga nakamit na targets at mga layuning nakamit ng iba’t ibang division at unit sa OVP.

Ito ay upang siguraduhin na epektibo ang mga programang ipinapatupad at mga serbisyong ibibigay pa sa hinaharap.

“Pinasalamatan ko ang lahat ng aking mga kasama sa Office of the Vice  President na sa kabila ng mga hamon ng nakaraan at sa hinaharap ay nananatili silang matatag sa kanilang tungkulin na maglingkod sa ating mga kababayan,” pahayag ni VP Sara.

“Kasama ang buong Office of the Vice  President, naniniwala ako na sa gabay ng Maykapal, aming mapagtatagumpayan ang anumang hamong kaakibat ng serbisyo publiko, at patuloy na makapagbigay ng dekalidad na mga programa para sa ating mga kababayang higit na nangangailangan, saan mang sulok ng bansa,” aniya pa.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Inday Sara Duterte Facebook Page.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble