KINILALA sa provincial level awarding ng Young Farmers Challenge Program (YFCP) ang 22 batang agripreneurs sa National Capital Region (NCR).
Ang mga pinarangalan ay ang mga utak sa likod ng 11 negosyo sa NCR na may kaugnayan sa agri-fishery enterprises.
Ayon kay Senador Imee Marcos na siyang bumuo ng YFCP, ang awardees ay isang magandang balita sa sektor ng agrikultura ng Pilipinas.
Samantala, ang YFCP ay isang inisyatiba upang malutas ang kasalukuyang krisis sa pagkain sa bansa habang tinatanggal din ang mga maling kuru-kuro sa agrikultura bilang isang karera na may mababang kita.