22K NCRPO personnel, ipakakalat sa buong Metro Manila sa ika-2 SONA ni PBBM

22K NCRPO personnel, ipakakalat sa buong Metro Manila sa ika-2 SONA ni PBBM

AABOT sa 22K na National Capital Region Police Office (NCRPO) personnel ang nakatakdang ipakakalat sa buong Metro Manila sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ito ang kinumpirma ni NCRPO Regional Director Jose Melencio Nartatez Jr. sa panayam ng SMNI sa gitna ng kanilang paghahanda para sa aktibidad ng Pangulo.

Prayoridad dito ang paghahanda laban sa kriminalidad at mga magtatangkang guluhin ang SONA ng Pangulo.

Ayon kay Nartatez, iaalerto nito ang kaniyang mga tauhan laban sa mga local communist terrorist group, communist mass organizations, at iba pang kahalintulad na mga organisadong grupo na maaaring magdulot ng banta sa seguridad ng publiko.

Hanggang sa mga oras na ito, wala pa namang namamataan o namo-monitor ang Philippine National Police (PNP) na banta sa seguridad ng publiko kaugnay sa nalalapit na SONA ni Pangulong Marcos.

Follow SMNI NEWS on Twitter