BINUKSAN na ang 24/7 primary care services ng Makati Life Medical Center sa Brgy. Bel-Air ngayong araw.
Ito ay sa pangunguna ni Makati Mayor Abby Binay at ilan pang mga opisyales ng Makati LGU at Ospital ng Makati.
Dahil dito, puwede nang magpa-checkup at sumailalim sa laboratory at diagnostic procedures ang lahat ng Yellow Card holders ano mang oras.
Para magpa-schedule ng appointment, maaaring tumawag ang mga residente sa 8888-2020 o mag-message sa 0917-658-5433; 0947-990-7362.