Main office ng Smart, ipinasara ng Makati LGU dahil walang business permit

Main office ng Smart, ipinasara ng Makati LGU dahil walang business permit

IPINASARA ng Makati City Government ang main office ng Smart Communications, Inc. dahil sa pag-operate nang walang business permit mula pa noong 2019.

Sa ngayon ayon sa Makati LGU, hindi pa nakabayad o nakakuha ng anumang suporta mula sa korte ang Smart para sa franchise tax deficiency nito na nagkakahalaga ng higit P3.2 bilyon na naipon mula January 2012 hanggang December 2015.

Ayon kay Makati City Administrator Claro Certeza, labag sa batas ang pag-operate nang walang valid business permit sa lungsod.

“When businesses in Makati choose to operate without a valid business permit, they are essentially operating outside the law,” sabi ni Certeza.

Nilinaw niyang hindi ito katanggap-tanggap at hindi kukunsintihin ng pamahalaang lungsod, malaki man o maliit na kumpanya ang sangkot dito.

“This is unacceptable, and I want to make it clear that we will not tolerate this kind of behavior, whether you are a big or small company,” dagdag nito.

Batay sa isang pagsusuri ng Office of the City Treasurer na isinagawa noong 2016, umabot sa mahigit P3.2 bilyong franchise tax ang pagkakautang ng Smart Communications Inc. sa lungsod sa loob ng apat na taon.

Follow SMNI NEWS in Twitter