POSIBLENG masibak sa serbisyo ang 24 pulis matapos magpositibo sa isinagawang confirmatory drug test ng Philippine National Police (PNP).
Ito ang inihayag ni PBGen. Constancio Chinayog Jr., hepe ng PNP Forensic Group sa Pulong Balitaan sa Camp Crame.
Ayon kay Chinayog, kabilang dito ang dating hepe ng Mandaluyong City Police na si PCol. Cesar Gerente.
Dinidinig na ang kasong administratibo laban sa 24 pulis.
Mula Enero hanggang Setyembre 2023, nakapagsagawa ang PNP ng random drug test sa 115,000 tauhan sa iba’t ibang panig ng bansa.