TUMANGGAP na ng walk-in applicants ang 25 vaccination hubs sa ilalim ng City health office sa lungsod Davao City.
Sa ilalim ng pamamahala ng City health office na 25 vaccination hubs ang nagbukas kabilang na ang bakuna nights hubs ay tumatanggap na ng walk in applicants kung saan available sa ngayon ang Pfizer vaccine.
Ayon sa tagapagsalita ng Davao COVID-19 task force na si Dr. Michelle Schlosser na maraming available na vaccines sa lungsod kaya inaanyayahan ang mga Dabawenyo na magpabakuna kasabay na rin ang pag aanunsyo na bukas na ang 25 nilang vaccination hubs upang tumanggap ng mga walk in applicants dagdag pa nito na madami umano ang allocated vaccines particular na ang Pfizer.
Ayon sa Doctor na maliban sa nakalaang vaccines na dumating kamakailan, ay meron pang kalahating milyong doses na dumating naman nuong nakaraang linggo.
Para naman sa mga walk in ibig sabihin ang mga interesadong vaccinees ay maaring mag register onsite at kailangan lamang magdala ng valid Id. Safe Davao QR at ballpen.
Aniya nung nakaraang buwan bahagyang nagkaproblema sapagkat hindi naka avail ang karamihan ng mga vaccine dahil hindi pa pinahihintulutan ang walk in at hinintay pang matapos ang priority groups pero ngayon ay maari ng maka avail ang lahat sa mga nabanggit na vaccination hubs.
Makikita naman ang mga listahan ng updated na operational vaccination hubs sa opisyal na City government of Davao Facebook page ayon kay Dr. Schlosser ay ina-update kada Lunes. Payo nito na kung ano ang pinakamalapit na vaccination hub ay duon sila magpabakuna.
Samantala, dagdag na hubs rin ang nagbukas para sa bakuna night kung saan mga manggagawa naman at mga housewives ang karamihang nag-aavail.