28 notorious guerilla front ng CTGs sa Eastern Mindanao, bumagsak sa AFP noong 2022

28 notorious guerilla front ng CTGs sa Eastern Mindanao, bumagsak sa AFP noong 2022

TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang tuluyang pagbagsak ng Communist Terrorist Groups (CTGs) ngayong pagpasok ng bagong taon.

Kasunod ito ng pagbaba ng bilang ng mga guerilla fronts ng New People’s Army sa Eastern Mindanao.

Mula sa 32 gerilya ng NPA sa Eastern Mindanao, bumaba ito ngayon sa 4.

Ito ang ipinagmamalaki ngayon ng pamunuan ng AFP sa pangunguna ng Philippine Army (PA) matapos na bumagsak sa kanilang mga operasyon ang 28 naglalakihang gerilya ng NPA noong 2022.

Kabilang sa mga pinabagsak na prente ng NPA ang GF19, SRC Southland, North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC) na sangkot sa malawakang recruitment ng mga katutubo at mga menor de edad sa Caraga Region.

Napasok din ng grupong ito ang mga eskwelahan sa rehiyon ng Caraga na nagdulot ng pagkamulat ng mga katutubong residente at mga kabataan para mag-aklas, magrebelde at masangkot sa iba’t ibang uri ng terorismo sa malaking bahagi ng Mindanao.

“The GF19 was involved in operating former CTG-linked schools in Agusan del Sur and Surigao del Sur, where the Indigenous Peoples’ (IPs) children were brainwashed and recruited in the terrorist movement. Its dismantling is an open door for the future declaration of strategic victory in the Caraga Region, where significant CTG formations remain,” ayon kay LtGen. Greg T. Almerol, Commander of Eastern Mindanao Command (EastMinCom) PA.

Bukod sa mga gerilya na ito, umabot din sa 18 na NPA units ang winasak ng militar sa Eastern Mindanao kasama na ang pagkakapatay sa mga CTG regulars.

Sa ilalim din ng “Kalinaw Sidlakang Mindanao” campaign, hindi na rin mabilang ang mga nahuli, at napasukong mga miyembro ng NPA partikular na halos ang 200 Underground Mass Organizations (UGMOs) na pawang mga supporters ng CPP-NPA-NDF.

Matatandaang ang pagkamatay nina Menandro “Bok” Villanueva, ang Secretary of Southern Mindanao Regional Committee (SMRC)/Komisyon Mindanao (KOMMID) at 3rd Vice-Chairman of the Communist Party of the Philippines (CPP) ay itinuturing na malaking dagok mismo sa pamunuan ng CPP-NPA-NDF sa bansa.

Nasawi rin si Pedro “Gonyong” Codaste, ang 2nd top-ranking New People’s Army (NPA) Commander ng Mindanao na sangkot sa iba’t ibang krimen at recruitment sa mga residente sa rehiyon.

Kaugnay rito, muling nananawagan ang pamahalaan sa mga natitira pang miyembro ng NPA na sumuko na lamang at ibaba ang mga armas nito para sa kanilang pagbabagong buhay.

Ayon sa militar, wala na rin halos lakas ngayon ang NPA matapos na mamatay ang lider nito na si Joma Sison nitong nakaraang buwan ng Disyembre 2022.

“To the remaining CTG members, now is the best time to yield. Let your reconciliation with your families and the government serve as your New Year’s resolution in starting a new life. The death of Jose Maria Sison and the neutralization of your other leaders signal that the collapse of your organization is imminent. Surrender now to avoid the same consequence, and we will ensure that you will receive the benefits of the Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP),” aniya pa.


Follow SMNI NEWS in Twitter