287 ektarya, nasunog sa grass fire sa Ilocos Norte

287 ektarya, nasunog sa grass fire sa Ilocos Norte

AABOT sa 287 ektarya ang tinupok ng grass fire sa Barangay Barbaquezo, Ilocos Norte nitong nakaraang linggo, ayon sa Office of the Civil Defense (OCD).

Kasama sa naapektuhan ang 50 ektarya sa ilalim ng National Greening Program ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Idineklara ng Bureau of Fire Protection (BFP) Ilocos Norte na tuluyang naapula ang sunog bandang alas-2 ng hapon noong Enero 31.

Patuloy ang imbestigasyon sa sanhi ng insidente.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter