UMABOT ng USD 155 M ang ticket sales ng “Inside Out 2” mula sa 4,440 theaters sa Estados Unidos at Canada.
Sa estimated international showings, tinatayang nasa USD 140 M ang sales nito kung kaya’t nasa USD 295 M ang kabuuang global debut nito.
Nitong Hunyo 14, 2024 ang premiere ng family comedy film na ito sa Estados Unidos.
Kung matatandaan naman, ang “Inside Out” ay unang ini-release noong 2015.