DepEd, palalakasin pa ang mental health programs ng K-12

DepEd, palalakasin pa ang mental health programs ng K-12

PLANO ng Department of Education (DepEd) na paunlarin pa ang kanilang mental health programs sa ilalim ngK -12 curriculum.

Sa pamamagitan ito ng Filipino Social and Emotional Learning (SEL) competency framework ng isang non-governmental organization. Ang naturang competency framework ay may anim na aspeto gaya ng:

  • Pagkilala sa sarili
  • Pamamahala sa sarili
  • Pagiging responsable
  • Pagsisikap
  • Pakikisama
  • Pagmamalasakit na kinakailangan tungo sa mas mainam na social behavior

Kaugnay na rin ito sa nai-monitor ng DepEd na umabot ng 7,742 ang kaso ng physical bullying sa School Year 2022- 2023.

Nasa 1,742 naman ang social bullying; 1,137 ang cyberbullying; at 590 ang gender-based bullying.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble