299 HIV treatment hubs, patuloy ang serbisyo para sa komunidad —DOH

299 HIV treatment hubs, patuloy ang serbisyo para sa komunidad —DOH

INANUNSYO ng Department of Health (DOH) na patuloy ang pagbibigay ng libre at confidential na community-based HIV services sa halos tatlong daang treatment hubs sa buong bansa.

Kinumpirma ito ng DOH sa katatapos lang na Runrio Pride Run 2025, kung saan humigit-kumulang sampung libong (10,000) rainbow runners ang lumahok.

Bukod sa masayang fun run, naging oportunidad din ito para sa mga kalahok na makakuha ng libreng HIV counselling, testing, pre-exposure prophylaxis, at anti-retroviral therapy.

Binigyang-diin ng CEO at founder ng Runrio, mahalagang gawing accessible ang HIV services sa mga ganitong kaganapan.

Para sa kabuuang listahan ng HIV Treatment Hubs, maaaring bisitahin ang link na naka-flash sa inyong screen.

Muli, paalala ng DOH: Alagaan ang kalusugan — kasama na rito ang sexual health.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble