2nd Tranche Educational Assistance, ipinamahagi sa Muntinlupa City

2nd Tranche Educational Assistance, ipinamahagi sa Muntinlupa City

SINIMULAN nang naipamahagi sa 2,346 Grade 7 to 10 students ng Tunasan National High School ang 2nd Tranche Educational Assistance sa lungsod ng Muntinlupa.

Ayon sa Muntinlupa LGU, magpapatuloy ang pagbibigay ng P2,500 na scholarship allowance kada estudyante sa kabuuang 4,693 na mag-aaral ng paaralan ngayong araw.

Sa kasalukuyan ay may 82,442 scholars ang Pamahalaang Lungsod mula elementary, high school, college, at maging ang professional development sa ilalim ng Muntinlupa Scholarship Division.

Matatandaan ang karunungan ang isa sa pitong pangunahing prayoridad ni Mayor Ruffy Biazon sa ilalim ng kanyang 7K Agenda para sa Muntinlupa.

Follow SMNI NEWS in Twitter