ARESTADO ang tatlong high-value individuals matapos ang isinagawang buy-bust operation sa Barangay Guadalupe, Cebu City.
Sa ulat kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, kinilala ang mga suspek na sina Iveen Migabon Pedrano, 23 taong gulang; Eugene Belamia Arces, 22 taong gulang; at Bernadeth Malubay Baslag, 23 taong gulang.
Ang mga hinihinalang drug trafficker ay kabilang sa regional level watchlist.
Nakuha sa kanila ang 3.57 milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu.
Ayon kay Carlos, mahaharap ang tatlo sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Kasabay nito, pinuri ng Chief PNP ang mga pulis sa kanilang matagumpay na operasyon laban sa mga suspek.