PINAWI ng Philippine National Police (PNP) ang takot sa ilang lugar na kabilang sa election hotspot areas.
Ito ay matapos inilahad ni PNP Chief Police General Dionardo Carlos na kanila nang ipinagtibay ang seguridad ng mga lugar na nasa listahan.
Ayon kay Carlos, ang PNP ay naglagay na ng Regional Special Operations Task Groups (RSOTGs) sa mga natukoy na mga lugar tulad ng Samar at Masbate.
“Samar, automatic meron na kaming kaagad nilagay because of history pero walang nangyayari doon. Masbate, we already placed our RSOTGs,” pahayag ni Carlos.
Sisiguraduhin ng RSOTG na may sapat na siguridad ang mga lugar na may mahigpit na labanan sa pulitika.
“Our field commanders are really doing the things that we want to happen in making sure that we will have a peaceful elections,” ayon kay Carlos.
Sa pinakahuling ulat ng PNP nasa isang daan at dalawampung lugar sa bansa ang kabilang sa election hotspot areas o election areas of concern.
Pero hanggang sa ngayon ay hindi pa ito nilalabas ng Commission on Elections (COMELEC) dahil sa anila ay under validation pa ang mga ito.
“Ang ating evaluation ng hotspots natin has always been the political history. The area is being considered kung meron ba syang rivalries. And kung may presenya that points into hostilities in that area. Tinitingnan din natin ang presence ng private armed groups or armed groups sa hinterlands roaming the countryside,”ani Jimenez.
BASAHIN: 105 munisipyo, 15 lungsod kabilang sa election hot spot areas – PNP
