3 araw na quarantine period, iminungkahi ng mga eksperto sa Hong Kong

3 araw na quarantine period, iminungkahi ng mga eksperto sa Hong Kong

IMINUNGKAHI ng mga medical expert sa Hong Kong na mas maiging paikliin ng 3 araw kalakip ng 4 na araw na medical surveillance ang quarantine period.

Sinabi ng microbiologist ng Hong Kong na si Ho Pak Leung, ang mga manlalakbay na sumailalim sa medical surveillance ay dapat hindi pagbawalang pumasok sa mga restaurant, bars, beauty salons at fitness centers.

Maaari din umanong pumunta ang mga ito sa kanilang mga trabaho sa isang point to point na sistema.

Kinakailangan din na magsuot ng location enabled bracelet ang mga ito para mas madali na masubaybayan ng mga awtoridad ang kanilang lokasyon.

Matatandaan na bago lang inanunsyo ng gobyerno ang kasalukuyang hakbang ng lungsod na 7 araw na kwarantin sa piling mga hotel paragraph sa papasok na manlalakbay sa syudad.

Samantala nakahanda na ang gobyerno sa pagbili ng bagong bakuna na bivalent vaccine Moderna na epektibo umano laban sa Omicron BA.4 at  BA.5.

Follow SMNI News on Twitter