3 Chinese nationals, nasamsam ng PDEA ang 3.4-M halaga ng shabu

3 Chinese nationals, nasamsam ng PDEA ang 3.4-M halaga ng shabu

NASAMSAMAN ang tatlong Chinese national ng humigit-kumulang 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php 3,400,000.00 sa matagumpay na buy-bust operation sa Shanghai Building, Barangay Balibago Angeles City nitong Lunes ng Hulyo 1, 2024.

Batay sa inisyal report ng PDEA Region 3, Pampanga Provincial Officer kay Director General Moro Virgilio Lazo, kinilala ang mga suspek na sina Bin Da, 23, Hei Xiao, 21, Gua Xiao, 20, kapwa residente ng Shanghai Bldg., Brgy. Balibago Angeles City.

Bukod sa mga ilegal na droga, nakuha rin sa mga suspek ang pitong sari-saring touch screen mobile phones;  dalawang susi ng kotse;  at ang marked money na ginamit ng poseur buyer.

Ayon sa team leader ng PDEA, sobrang maingat ang mga suspek habang nakikipagtransaksyon, at inabot sila ng isang buwan para makipag-ugnayan sa droga sa mga suspek.

Isang non-bailable offense ng Section 5 (sale of dangerous drugs) kaugnay ng Section 26B (conspiracy to sell drugs) ng RA 9165 ang isasampa laban sa mga naarestong suspek.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble