SASABAK na muli sa acting si Megastar Sharon Cuneta.
Sa anunsyo, isang TV series ito sa ilalim ng TV production and entertainment company na dreamscape entertainment.
Matatandaang taong 2021 pa nang huling makitang umarte si Sharon sa isang TV series at ito ay para sa “FPJ’s ang Probinsyano”.
Noong 2023 naman ay tampok sya sa pelikulang family of two kasama si Alden Richards.