3 CTGs, sumuko sa pulisya sa Agusan del Norte

3 CTGs, sumuko sa pulisya sa Agusan del Norte

PATULOY ang kampanya ng pulisya laban sa kalaban ng estado na nagresulta sa pagsuko ng 3 miyembro sa Agusan del Norte.

Ayon kay PRO Caraga Regional Director Police Brigadier General Pablo Labra II, kinilala ang mga sumuko na sina alyas Lito, alyas Dongkoy, at alyas Ger.

Isinuko ni alyas Lito ang blasting cap at detonating cord habang isinuko ni alyas Dongkoy ang dalawang time fuse na may blasting cap.

Itinurn-over naman ni alyas Ger ang isa’t kalahating haba ng detonating cord, blasting cap at nasa isang kilo ng hinihinalang Ammonium Nitrate.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang tatlong rebelde para sa proper disposition.

Tiniyak ni Brigadier General Labra sa publiko na hindi magpapahinga ang pulisya hanggang matuldukan nila ang banta ng mga rebelde at makamit ang kapayapaan.

Follow SMNI NEWS in Twitter