SUMUKO sa pamahalaan sa pangunguna ng 8th Infantry Battalion (8IB) ang tatlong dating miyembro ng communist terror group (CTG) na New People’s Army (NPA).
Ayon sa militar, malaking dagok ang pagkabawas ng puwersa ng CTG dahil sa desisyong pagsuko ng tatlong NPA.
Kasunod ng pagsuko sa kanilang sarili, itinuro din nila ang 12 na armas sa iba’t ibang arms cache ng CTG sa Bukidnon.
Tiniyak naman ng kasundaluhan ng 8IB na magkakaroon sila ng seminar sa nakatakdang pagbabagong buhay kasama ang kanilang mahal sa buhay at mismong pamahalaan.