Pagsibak kay Arnie Teves bilang kongresista, hindi pa enforceable—Lead Counsel

Pagsibak kay Arnie Teves bilang kongresista, hindi pa enforceable—Lead Counsel

UMALMA ang kampo ni expelled Congressman Arnie Teves matapos itong sibakin bilang miyembro ng Kamara.

Sa panayam ng SMNI, sinabi ng lead counsel nito na si Atty. Ferdinand Topacio na hindi pa enforceable ang desisyon ng Kamara.

“Hindi pa dapat ipatupad ‘yung kanilang ginawa kanina sapagkat sa rules po ng Mababang Kapulungan meron pong provision for motion for reconsideration for the next session day,” pahayag ni Atty. Ferdinand Topacio, Legal Counsel ni Teves.

Ayon naman kay House Secretary General Reggie Velasco, puwedeng i-apela ng kampo ni Teves sa House Ethics Committee ang expulsion.

Ang Ethics Committee mismo ang nag-rekomenda na ma-expel o masibak si Teves sa puwesto dahil sa iba’t ibang mga paglabag.

Lalo na’t deklarado itong terorista ng Anti-Terrorism Council.

“Ang nangyari po kasi diyan ni-railroad nila eh. ‘Yun pong report ay dapat po nabigyan nila ng pagkakataon ang subject ng report na maghain ng motion for reconsideration. Ang ginawa po nila sa kanilang kasabikan na patalsikin si Congressman Teves ay hindi nila binigyan ng pagkakataon. Diniretso po nila sa plenary without giving us an opportunity to file a motion for reconsideration,” dagdag ni Topacio.

Pero ayon sa law expert na si Atty. Mark Tolentino, nasa kamay ng Kongreso ang kapangyarihan na magpataw ng parusa.

Lalo pa’t kasama sa grounds ng expulsion laban kay Teves ang disorderly behavior.

“Walang definition sa ating Saligang Batas kung sa any of the law kung ano ang disorderly behavior. Right ‘yan ng Congress natin to define kung ano ang tinatawag na disorderly behavior,” wika ni Atty. Mark Tolentino, Legal Expert | Host, SMNI’s Pinoy Legal Minds.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble