3 miyembro ng CTG, sumuko sa Occidental Mindoro

3 miyembro ng CTG, sumuko sa Occidental Mindoro

PINURI ni PRO Mimaropa regional director Police Brigadier General Sidney Sultan Hernia ang kanilang mga tauhan sa matagumpay na anti-insurgency campaign na nagresulta sa pagsuko ng tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Occidental Mindoro.

Kinilala ni Hernia ang mga sumuko na sina Ka Efren, 62 taong gulang; Ka Bato, 37 taong gulang; at Ka Robert, 37 taong gulang.

Sila ay pawang mga miyembro ng Kilusang Larangang Gerilya Mark Anthony Velasco (KLG-MAV) sa ilalim ng Lucio De Guzman Command ng Sub-Regional Military Area (SRMA-4D), Southern Tagalog Regional Party Committee (STRPC).

Sumuko ang tatlo sa Provincial Intelligence Team Occidental Mindoro sa ilalim ng Regional Intelligence Unit 4B (RIU 4B) sa Barangay Poblacion nitong Miyerkules ng hapon.

Tinutulungan na sila ng RIU 4B para mapabilang sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Follow SMNI NEWS in Twitter