PBBM, tinalakay ang krisis sa Russia at Ukraine, tensyon sa pagitan ng China at Taiwan sa ASEAN Summit

PBBM, tinalakay ang krisis sa Russia at Ukraine, tensyon sa pagitan ng China at Taiwan sa ASEAN Summit

HINDI pinalampas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagkakataon para magsalita kaugnay sa Ukraine-Russia conflict kung saan ipinanawagan nito na itigil ang pakikibaka.

Nararapat aniya na maibalik ang diplomas-ya at tingnan ang naging resulta ng digmaan kung saan kumitil na ito ng maraming buhay.

Ipinunto ni Pangulong Marcos na malaki ang naging epekto ng gitgitan sa pagitan ng Russia at Ukraine sa ekonomiya dahil na rin sa nagdulot ito sa paglobo ng presyo ng krudo, pagkain at iba pang pangunahing bilihin.

“We are also concerned with the severe and disruptive international economic ramifications of this ongoing conflict, particularly on global food and energy security and commodity supply chains,” saad ni Pangulong Marcos.

Binigyang-diin din ni Pangulong Marcos na maging ang kasalukuyang tensyon sa pagitan ng China at Taiwan ay itinuturing nitong ’cause for concern’ o nakababahala sa buong rehiyon.

Sinang-ayunann ng Pangulong Marcos ang naging panawagan ng mga ASEAN Foreign Minister nitong Agosto na dapat maipatupad ang maximum restraint sa pagitan ng China at Taiwan at huwag gagawa ng hakbang na magdudulot ng sigalot.

Naniniwala si Pangulong Marcos na kapayapaan ang solusyon sa lahat ng hindi pagkakaintindihan.

 “We always urge peace in the resolution of these conflicts,” aniya.

 

Follow SMNI News on Twitter