3 miyembro ng Stray Kids, nasangkot sa isang minor car accident

3 miyembro ng Stray Kids, nasangkot sa isang minor car accident

NASANGKOT sa isang minor car accident ang tatlong miyembro ng South Korean boy group na Stray Kids.

Ito ang inanunsiyo ng JYP Entertainment.

Sa ibinahagi ng talent agency, ang mga miyembro na tinutukoy ay sina Lee Know, Hyunjin, at Seungmin.

Mabuti na lang at “mild muscle pain” at pasa lang ang natamo ng tatlo kasama ang kanilang mga staff.

Kaugnay nito ay suspendido na ang pag-attend nina Lee-Know at Hyunjin sa Milan Fashion Week ngayong buwan.

Hindi na rin matutuloy ang birthday YouTube live ni Seungmin dahil dito.

Maging sa 2023 Global Citizen Festival sa New York na nakatakda sa Setyembre 23 ay hindi makakasama ang tatlo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter