K-pop girl group na NMIXX, nakatakdang tumungo sa bansa ngayong Hunyo

K-pop girl group na NMIXX, nakatakdang tumungo sa bansa ngayong Hunyo

NAKATAKDANG bumisita ang K-pop girl group na NMIXX sa bansa sa June 30 sa unang pagkakataon para sa concert nito.

Sa official Twitter account ng girl group, makikita ang post nito na “Nice to Mixx You” tour kung saan makikitang kabilang ang Manila.

Sa ngayon ay wala pang ibang detalye kung saan ang magiging venue ng concert at kung magkano ang magiging presyo nito na nakatakdang i-produce ng local promoter na Live Nation.

Ang NMIXX ay nasa ilalim ng isa sa malaking 3 agencies sa Korea na JYP Entertainment na siya ring home agency ng mga higit na sikat na K-pop band na Twice, Stray kids at ITZY.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter